#Local Government
Target:
President of the Philippines Benigno Aquino III
Region:
Philippines
Website:
Quisao, Rizal Community Organzation fb account

Support the implementation of the revival of the Municipality of Quisao, Rizal Philippines. Quisao was formally incorporated as a municipality in accordance with Act No. 82 enacted oby the Philippine Commission on 31 January 1901

-------------------------------------------------------------------------------------

Opinion No. 34 S-1998 Pinagmulan: Chairman Dr. Crispino Ramos (1898 -1998)
DILG: Undersecretary, Manual Sanchez - Response letters dated- January 14, 1998, Buod ng sulat. Ang lahat nang mahahalagang impormasyon ay minarkahan upang madaling maintindihan.

***Katotohan Mula Sa Kasaysayan:***

January 31, 1901 - Ang Quisao ay pormal na naging bayan hango sa Act No. 82 na naipasa ng Philippine Commission.

October 12, 1903 - Ang Act No. 942 ay naipasa upang pagsanibin ang munisipyo ng Jalajala, Quisao at Pililla, sila’y pinag-isa at kinilalang “Munisipyo ng Pililla”.

September 20, 1907 - Ang Act No. 1720 ay binigyang bisa, ang Jalajala ay humiwalay sa pagsanib, samantalang ang Pililla at Quisao ay nanatiling magkasanib.

March 1, 1917 - Ang Act No. 2711 ay naipasa at madaliang pinawalang halaga ang Act No. 942 at ang kanyang kabuuan. Ang ibig sabihin, ang pagsasanib ng munisipyo ng Jalajala, Quisao at Pililla ay naipawalang bisa na.

***Kongklusyon:***

Mula pa noong March 1, 1917, ang Quisao ay dapat nang kinilala bilang isang munisipalidad na siyang naging resulta ng pagkakapasa ng Act No. 2711 na nagpapawalang halaga sa Act No. 942.

Ang kanyang pagiging bayan ay MAAARI nang kilalanin sa kahit na anong oras ng wala nang kailangan pang pagpapatotoo.

Ang pagiging munisipyo ng Quisao ay HINDI mawawala o masisira kahit hindi nito ginamit ang kanyang kapangyarihan bilang bayan (mula pa noong October 12, 1903 hanggang sa kasalukuyan).

BAYAN NA PO ANG QUISAO NOON PA MAN! NAIPANALO NA ANG LABAN! KAILANGAN LAMANG NATIN ITONG ISABUHAY!

***Mga kailangan gawin (ayon sa sulat):***

Naimungkahi ng DILG na umpisahan na ang pag—uusap at pagkakasundo ng mga lokal na opisyal ng Quisao at Pililla.

At marahil ay lumapit sa opisina ng Solicitor General para sa nararapat na pag-aayos sa nasabing bagay.

Kasama sa proseso ay ang pagkakaroon ng Bayan ng Quisao ng sarili nyang lokal na pamunuan na kinabibilangan ng mayor, vice mayor at mga myembro ng Sangguniang Bayan, na silang mag-uumpisa ng pakikipag-usap at pakikipagkasundo sa lokal na pamunuan Pililla. N .

***Huling Kataga***

Ang lahat ng aming mga kababayan sa Quisao (at sa ibang bansa para sa suporta) ay kailangan magka-isa. Ang pagkaka-isa ay may kasamang pagpapakababang-loob, pagmamahalan at pagpapatawaran, at iyon ang ating ipagdarasal. Walang imposible sa ating Panginoon Diyos!

Patuloy tayong manalangin para sa ating bayan ng Quisao!

Salamat po,

Dr. (White) Crispino Ramos
Chairman, Quisao Municipality Autonomy Movement
Barangay Hall, Quisao
Pililla Rizal

cc Rosemarie Ramos

We people of Quisao Rizal, Community Organization, call on the implementing the Recognition and Revival of Municipality of Quisao, Province of Rizal

Please people from Quisao, Rizal show your support and sign a petition to free Quisao, Rizal Philippies from under the rule of Pililla, Rizal Philippines. Get the freedom to becoming an independent town of Quisao, Rizal Philippines.

GoPetition respects your privacy.

The Support the implementation of the revival of the Municipality of Quisao, Rizal Philippines petition to President of the Philippines Benigno Aquino III was written by QUISAO, RIZAL COMMUNITY ORGANIZATION and is in the category Local Government at GoPetition.

Petition Tags

rosehellsten@yahoo.com