#Politics
Target:
Filipino Voters Abroad
Region:
Philippines
Website:
www.davaocity.gov.ph

Ang Tatak OFW! Tatak Rody Duterte Movement ay isang kilusan ng mga OFW sa Japan upang itulak ang kandidatura ni Mayor Rody Duterte sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na May 2016.

Ang Tatak OFW! Tatak Rody Duterte Movement ay isang kilusan ng mga OFW sa Japan upang itulak ang kandidatura ni Mayor Rody Duterte sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na May 2016. Sa mga nagpoposturang kakandidato bilang pangkapangulo ng Pilipinas, natatangi ang pagkatao, prinisipyo at karanasan ni Mayor Duterte. Anak ng dating Gobernador, nanatiling malapit si Mayor Duterte sa mga mahihirap at nangagailangan kahit na sa katayuan nito sa buhay. Ang prinsipyo ni Mayor Duterte para sa mga mahihirap ay naipundar ng taon ng sariling karanasan.

Bago paman naging Gobernador ang ama nitong si Gobernador Vicente Duterte, naranasan ng mga Duterte ang kahirapan kaya nakipagsapalaran sila papuntang Mindanao mula sa Visayas. Makailang beses din silang palipat-lipat sa Mindanao at nakaranas na mapaalis sa kanilang tirahan. Ito ang naghubog sa kanyang pagkatao.

Si Mayor Duterte ay lumaki sa isang kapaligiran na alam at batid ang kahirapan. Sa gabay ng kanyang nanay, lumaki si Mayor Duterte sa pangaral na mahalin ang mga nangangailangan at mahirap. Ang kanyang ina ay nanindigan sa kapakanan ng mga mahihirap at inaapi sa panahon ng Martial Law. Dahil dito, lumaki si Mayor Duterte sa pangangalaga ng isang inang nagmamahal hindi lamang sa sariling pamilya kundi sa buong sambayanan. Nang maging abogado si Duterte at sa kalaunan ay naging prosecutor, namulat sya sa dami ng kaso ng mga mahihirap at walang laban na hindi nabibigyan ng hustisya. Higit pang napagpatibay ni Mayor Duterte ang kanyang paninidigan sa panahon na makasalamuha nito ang mga nabilanggo dahil sa pinaglalabang prinisipyo. Habang malapit ang kanyang puso sa mga mahihirap at nakikibaka para sa katarungan, tumibay naman ang kanyang paninindigan laban sa krimen. Laganap ang droga, walang humpay ang nakawan, at dumaraming bilang ng biktima ng krimen. Sa dumaraming bilang ng kaso ng kriminalidad, karamihan sa mga nakukulong ay mga maliliit habang ang mga may kaya ay madaling makalusot sa kamay ng katarungan. Ang kapaligirang ito ang naghubog sa kanyang prinsipyo.

Nang maging Mayor sya ng Davao City sa taong 1988, dumagundong kaagad ang kanyang pangalan sa pagpapababa ng bilang ng krimen sa loob lamang ng isang taon. Mula sa isang `wild, wild west` na imahe nito papunta sa isa sa mga napakapayapang syudad sa buong mundo- lahat ng ito ay dahil sa kamay na bakal ni Rody Duterte. Habang pinapanatili nito ang pagiging malapit sa masa, batid nating lahat na naging mahusay at mapayapa ang Davao City sa pamamahala ni Mayor Duterte. Mahigit sa dekada nang pinapangalagaan ni Mayor Duterte ang Davao City. Puno ng karanasan, tatak ng isang lider ng bayan…

Tatak ni Mayor Rody ang pagkataong malapit sa masa. Tatak ni Mayor Rody ang prinsipyong kasing tibay ng bato. Tatak ni Mayor Rody ang karanasang hinubog ng panahon at matapat na paglilingkod sa bayan. Para sa ating nangingibang bansa para sa ating pamilya, batid ni Mayor Duiterte ang ating hirap sapagkat sya mismo ay nakaranas na dumayo sa ibang lugar upang makipagsapalaran. Kaya, ang Tatak Rody ay Tatak OFW.. Kung naniniwala ka sa Tatak Rody Duterte Para sa Pagkapangulo ng Pilipinas, sumali sa ating kilusan.. Pumirma Para sa Kandidatura ni Rody Duterte…

GoPetition respects your privacy.

The TATAKbo si Duterte? Sasama ba kayo? petition to Filipino Voters Abroad was written by Tatak Rody and is in the category Politics at GoPetition.

Petition Tags

tatak.rody