#Education
Target:
Government Education Committee
Region:
Philippines
Website:
mothertongue-based.blogspot.com

Ang kasalukuyang programa ng Gobyerno patungkol sa pag-aaral ay hindi akma sa mga Pilipino. sapagkat mukhang kinopya lamang ito sa banyagang bansa, tulad ng Estados Unidos.

Kinakailangan ng masusing pag-aaral sa isang bansa bago gumamit ng kahit anong programa sa Edukasyon. kailangan na nag programa ay angkop sa Kultura, at pang araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan ng Bansang gagamit nito.

Subalit mas mukhang angkop ang ating Educational System sa pag-labas ng Bansa at hindi sa paggamit nito sa loob ng ating sariling inang bayan. Mas pinaghahandaan ng Gobyerno ang pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa kaysa sa pag-harap sa kasalukuyang problema ng ating Bansa.

Nawa'y magising tayo na hindi dahil international ang Educational System ay makakatulong na sa atin. Mas nakatuon pa nga ang pansin nito sa pag-yakap ng banyagang panukala at kaalaman, kaysa pagtugon at pagpapalawak ng sarili nating pangangailangan.

Kung mananatili tayo sa ganitong kalagayan nakaka-awa ang mga lumalaking kabataan, at baka dumating ang araw na wala ng makitang Pinoy - sapagkat naging Banyaga nang lahat... "Gising Bayan Ko"...

Pag-aralang mabuti kung ang kasalukuyang Educational System ba ng Bansa ay nakakatulong o nakakasama?

Kinakailangan ng masusing pag-aaral upang tunay na matuguna ang pangangailangan ng ating mga Estudyante ayon sa Konteksto ng ating sariling Bansa at hindi ayon sa Banyagang katuruan... "Gising Bayan"

GoPetition respects your privacy.

The Review Presently Bad Educational System in the Philippines petition to Government Education Committee was written by jharnie and is in the category Education at GoPetition.